#KwentongBokasyonMoShareMo:
The Gerard Esteves Story
My Vocation started when I was still a cute little boy. Nakita ko sa photo album namin noong 2 years old palang ako ay may ginawa si lolang hindi ko siguradi kung parte ng tradisyon nating mga Katolikono hindi, may naka lagay sa sahig na rosary, simbolo raw sa pag pari, at ballpen simbolo ng pagiging engineer, at stetoscope simbolo ng pagiging doctor, at may pera simbolo ng magiging mayama. Sabi sa akin ang pinaka una kong hinawakan ay ang rosary simbolo sa pagpapar. 5 years old ako noon nung nag lalaro ako misa-misahan. Ang ginagamit kong ostia ay super thin na biscuit at ang wine ay tang na grapes flavor. Lagi ko daw 'yon ginagawa sa tuwing kakatapos lang naming mag simba tuwing linggo.
Nung ako'y nag simula nang mag-aral sa elementarya, hindi ko na maramdaman na ako ay tinatawag ng Diyos sa pagpapari. Ang pangarap ko noon isang maging engineer. Nung ako'y sumali sa Knights of the altar ministry or "Sakristan" , unti-unting na raramdaman ko nanaman ang tawag ng Diyos.
Naalala ko non, habang vacant namin sa isang period nag usap-usap kaming mga magkakaibigan. Tungkol ityon kung saan kami papasok ng eskuwelahan pag Highschool na kami. Isang kaibigan ko ang nag sabi na siya raw ay papasok sa seminaryo. Nagulat ako dahil hindi ko alam yon kung saan at anong klaseng paaralan. Tinanong ko sya. "Bkit mo gustong pumasok don? " ang sagot nya ay "Kasi ang babait ng mga tao don. Biro mo binigyan ako ng pag kain kahit di ako humingi." Tila ba natuwa at nagulat ako sa sinabing ito ng kaibigan ko, kase sa totoo lang ay napaka damot kong tao noon. Simula nun ay itinatak ko na sa isipan ko 'yung salitang "SEMINARYO"
Noong ako'y nasa ika anim na baitang na, nararamdaman ko na mas lalong lumalakas ang calling ko sa pagpapari. One time nung nag serve ako nung nakita ko yung kura paroko namin si Fr. Nestor Benavides na nakasuot ng vestment ay naengganyo na din ako sumoot nun. Lagi na ako naka tutok sa mga Homily nya at patuloy niya akong pinapahanga. Simula din sa araw na iyon ay itinatak ko na sa isipan ko na gusto kong magpari.
Ngunit isang araw may nakasalubong akong isang seminarista. Nagkaroon kami ng pag-uusap, tinanong ako kung gusto ko raw maging kagaya niya. Nung sumang-ayon ay ako tinanong ako nitong muli kung sigurado na ba ako sa buhay na nais kong tahakin. At sumagot naman ako ng oo, pero sinubukan niya ang kagustuhan kong tumugon sa pamamagitan ng isang pangangaral.
Sabi niya "Baka naman kasi gusto mo lang pumasok dahil sa katangian at sa pananamit lamang? Sa pagiging seminarista ay kailangan lagi mong susundin ang nais ng Diyos; kailangan mong gayahin si Kristo. Kung gusto mo maging seminarista, kailangan ang goal mo ay hindi ang makapagsuot ng vestment, o maging mapagbigay, kundi ang maging pari na siyang pinakamalapit na kawangis ni Kristo."
Sa puntong na yon napaisip ako kung totoo ba talaga itong nararamdaman ko? O pawang dala lang ng malikot kong emosyon at imahinasyon.
Kinaumagahan, pumunta ako sa seawall at doon ako nagmunimuni, tinanong ko ang Diyos "Gusto mo ba akong maging pari? Kung ganon bigyan mo ako ng sign." Sa isang iglap pa ay tila may naramdaman akong malamig na hangin na parang niyayakap ako. Sabi ko wow kung sign 'yon Lord bigyan mo pa ako ng marami. Kinahapunan nsng umuwi na ako. Pag uwi ko ay pinagalitan ako ni mama dahil huli na akong kong nakauwi.
Habang umiiyak ako sa kwarto ko may napansin akong mukha ni Kristo na nag korte sa aking pader. Para saken isa pa 'yon sa mga sign na gusto Niyang ipahiwatig sa 'kin.
Habang kumakain kami ng dinner sinabihan ko sila mama at papa na gusto ko pumasok sa seminaryo. Nagulat sila pero bakas sa mukha nila na sila ay tuwang-tuwa kaya sabi nila sa akin na pwede raw basta dapat Hindi ako mag gastos ng maraming pera, dahil mahal ang bayarin don. Isang araw pumunta kami sa seminaryo at nag entrance exam na ako. Medyo nahirapan ako sa mga tanong at hindi ako sgurado sa mga sagot ko. Tingin ko nun ay bagsak ako. Kaya naman ginawa ko na ang natatangi ko na lang nakayang gawin—ang manalangin. Sabi ko kay Lord na kung gusto mo ako maging pari sana maka pasa ako sa exam. At mukhang naayon nga ang kagustuhan ng Diyos sa kagustuhan ng puso ko. Nagtext ang seminaryo kay mama at naka saad doon na ako ay qualified na maka pasok sa loob. Grabe sobrang saya ko nun.
Simula noon araw-araw na akong bumibisita sa adoration chapel at nananalangin para sa vocation ko upang laging makapagpasalamat. Lagi na rin akong sumama sa misa ng pari. Halos doon na ako natutulog sa kumbento. Isang araw sinama ako ng aming pari sa misa niya sa baryo. Pinakilala niya ako doon at sabi niya na ipagdasal daw ako lagi upang ako'y maging pari. Napakasarap sa pakiramdam😄 na may nananalangin sa'yo. Nararamdaman ko na rin na hindi na talaga ako mag aasawa dapat diretso na sa pag papari dahil ang bayan ay umaasa sakin.
Napaka importante ng role aking Inay sa pag papalaki ng aking bokasyon dahil bata pa lamang ako, siya na ang nagtuturo sa akin ng mga basic prayers at dahil doon mas napalapit ako sa Panginoong Diyos. Lagi niya ako pinapanalagin para sa aking mabuting kalagayan. Laking pasasalamat ko din sa kanya sa lahat ng mga sakripisyo niya na inaalay sa akin. Yung kahit na pagod na pagod na sya sa trabaho niya pinipilit parin niya na bisitahin ako sa seminaryo at bigyan ako ng snacks. Si Mama ang nagturo sa akin sa kung paano mahalin ang ating Diyos kaya hanggang ngayon matatag ang relasyon ko, hindi lamang sa aking Ina, kundi pati sa Kanya. (Maraming Salamat Mama and Happy Mother's day! I love you Ma! 😘❤️)
Umabot na sa punto na papasok na ako sa seminaryo. Hindi ako umiyak nung pag alis nila mama dahil sanay na akong sa kumbento kung matulog ngunit si mama ay umiyak. Napamahal na saakin ang seminaryo at mas lalo ko nang minahal si INA ang MAHAL NA BIRHEN NG PEÑAFRANCIA.
Lagi kong dala-dala ang napaka gandang regalo na galing sa Panginoon. At lagi ko 'tong minamahal.Iniingatan upang hindi masira. At lagi ko tong pinapahalagahan ito ay ang ang aking bokasyon sa pag papari. Mahal ko ang aking BOKASYON. Kaya naman ang motto ko sa buhay ay
"Putting so much care on your Vocation is also keeping the best gift and love of God."
—SEM. GABRIEL GERARD ESTEVES
Comments
Post a Comment