SYNOPSIS
Paul lost his father to cancer. Since then, he considered himself an atheist, a die hard non-believer. And again, he finds himself waiting in a hospital, sorrowed and grieved. This time, it's his mother. He wants his mother to live, but he can do nothing.
As destiny would have it, he met this girl in the hospital who apparently changed his life. The girl introduced Jesus, his works and miracles. Apparently, Paul's mother got well. This got Paul hooked on the idea of the "Love of God". He attributed the skills of the doctor to some sort of a miracle coming from the heavens up high.
Thereafter, Paul decided to show affection to the girl. They gave it a try and it flourished into a loving experience; of joy, laughter and faith. God became the center of their relationship(which by the way is a good thing). Sometime, with all the romance and all... Paul decided to partake a difficult road. -The road to priesthood. With this, he left the girl.
Since then, 13 years have passed, the girl hasn't moved on. Paul is now a priest and enjoys his apparent "vocation". Leaving the girl wounded and scarred.
Copyright ©2017
Catholic Social Media Awards 2017-Viral Story of the Year (Nominee)
THE STORY
"Hi Trish, ordination ko na bukas, punta ka ah? Aasahan kita."
Kanina ko pa tinititigan yung laman ng invitation card na natanggap ko kahapon, mula yun sa isang taong naging parte ng buhay ko for almost 4 years - si Paul Adriano, my ex-boyfriend.
Pero sa totoo lang naiiyak ako, hindi dahil naaalala ko pa yung sakit na naramdaman ko 13 years ago.
Naiiyak ako dahil sa wakas malapit na nyang maabot yung pangarap nya. Magiging pari na din sya. At masaya ako para sa kanya, alam ko kasing gustong gusto nya talaga yun, eh, kaya nga nagpaubaya ako 'di ba? Kahit masakit, kinaya ko. Kahit masakit, ginusto ko.
Ganun naman talaga kapag nagmamahal di'ba? Dapat hindi ka lang marunong magsakripisyo ng bagay na ikasasaya mo, kundi pati narin yung ikasasaya ng ibang tao.
Naalala ko tuloy yung sinabi nya sa akin nung minsan tinanong ko sya tungkol sa bokasyon nya.
"Trish, alam ko na kung ano ang bokasyon ko.."
"T..talaga?" Sagot ko.
"Oo at yun ay ang magsakripisyo para sa kagustuhan ng iba, magmahal at patuloy na magmamahal ng buong puso." Sabi nya saka sya ngumiti.
"Wow, parang magpapari ka nyan ha." Patawa ko pang sabi, tumahimik naman sya sabay sabing..
"Bakit hindi? Bagay naman sa akin di'ba? " ngumiti na lang ako. Hindi ko yun pinansin kasi akala ko imposibleng mangyari yun.
Naging masaya lang ako kasi sa tagal ng pagiging spiritual directress ko sa kanya atlast alam na nya kung ano yung bokasyon nya sa mundo, dati kasi nabubuhay lang sya for formality's sake.
He was an atheist and I was a catechist bago kami magkakilala sa ospital. Naaalala ko pa nung unang pagkikita namin, napakatamlay nya that time, mag-isa lang syang nasa waiting room, hindi sya matigil sa paglalakad na animo'y natataranta kaya naman nilapitan ko sya para kausapin, and that time nalaman ko na nasa operating room yung nanay nya for a heart transplant. Kaya sinubukan ko syang ayain sa weekly mission ko and that is to have a group bible study sa mga relatives ng mga patient who are experiencing spiritual dryness.
Tumanggi pa sya nun, wala naman daw kasi syang mapapala dun kaya hindi ko nalang pinilit. Pero iniwanan ko siya ng isang salita na hindi ko alam na tatatak pala sa kanya.
" Dont worry, hindi na kita pipilitin pa, pero I want you to know na huhupa rin ang ulan sa buhay mo, maniwala ka lang sa Kanya." I smiled, pagkatapos nun ay iniwan ko na sya.
Akala ko yun na yung huling pagkikita namin, pero I didnt expect 2 weeks matapos yung pangyayaring yun bigla nalang nya akong hinanap.
He's Crying when he saw me.
Niyakap pa nya ako na parang bata while saying, "Thankyou sa'yo, dahil sayo nakilala ko yung Panginoon na nagpagaling kay mama."
Simula nun palagi na syang sumasama sa akin sa mga weekly mission ko sa iba't ibang ospital, at sa mga panahong yun mas nakilala ko sya. Dun ko nalaman na mas matanda pala sya ng isang taon sa akin, dun ko rin nalaman na hindi naman pala mababaw yung pananampalataya nya kasi dati na rin pala syang sakristan nung mga totoy days nya, saka lang sya naging atheist nung namatay yung papa nya dahil sa cancer. Sinisi niya si God for that, hanggang mawala nalang yung paniniwala nya na "God really exist."
*Tok! Tok! Tok!
Napatigil ako sa pag re-reminisce ng biglang may kumatok sa pinto , dun ko lang namalayan, basang basa na pala yung invitation card na hawak ko. Agad kong pinunasan yun.
"Trish, 'di ka pa ba tapos magpalit dyan? Male-late tayo sa simbahan, baka di na natin maabutan yung ordination ni Paul." Utas ni ate Roa, ang kapatid ko na saksi sa pagmamahalan namin ni Paul.
"Oo, eto lalabas na." Sagot ko kaya naman lumabas narin agad ako suot ang puting dress.
"Ahh! Kaya pala ang tagal mong lumabas, nakagown ka pala, di ka naman ikakasal, no?" Tukso nya sa akin.
"Eh, ano ba dapat ang isuot ko? Itim na damit? Edi nagmukha naman akong nagluluksa nun ate." Sagot ko
"Hindi nga ba?" Sagot nya. Napailing nalang ako sa sinabi nya. Pagkatapos nun ay nag check-out na kami sa hotel na tinuluyan namin, galing pa kasi kaming Manila at kakarating lang namin kagabi para dito na magpalipas.
5 minutes lang ang byahe mula sa hotel na tinuluyan namin hanggang simbahan, kaya naman habang palapit kami ng palapit ay mas kinakabahan pa ako, napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung tutuloy pa ba kami.
Naisip ko kasi baka mas maiyak pa ako kapag nakita ko sya. Pero naisip ko din naman na baka umaasa yun sa pagdating ko kaya pupunta nalang ako, atsaka ano ba Trish! 13 years ago na yun, 2017 na! uso mag move on.
Pero di'ba, di naman uso makalimot? Trish ano ba? Umayos ka! 34 years old ka na! Ang tanda mo na para humugot.
Nang makarating kami sa simbahan ay mas lumala yung kaba ko, parang naiiyak ako.
Gantong ganto kasi yung naramdaman ko nung inaya nya ako sa parehong simbahan 13 yrs ago, kabadong kabado rin ako nun. Yun kasi yung araw bago ang 4th Anniversary namin at yun din pala yung oras na hiningi nya sa akin yung oo ko. Nasa loob kami ng simbahan, nasa tapat ng altar. Tahimik nun dahil kaming dalawa lang ang nasa loob.
Hinawakan pa nya yung kamay ko. Halatang nanginginig sya. Nung una natatawa pa ako kasi di naman sya ganun, naisip ko nalang na ganun talaga siguro ang mararamdaman mo kapag mag pro-propose ka sa taong mahal mo.
"Trish..may sasabihin ako." Nangingilid na yung mata nya.
Di na ako makapagsalita nun.. Hinihintay ko nalang sabihin nya yung katagang "Trish, will you marry me?"
Tinitigan nya ako sa mata, ako naman ay nakatitig na din sa kanya. Gusto ko na ding umiyak, pero nagpipigil ako.
"Tris, alam mo bang sobrang saya ko kasi nakilala kita? Kasi binago mo ako, hindi ka lang naging mabuting kaibigan sa akin, naging mabuting kasintahan ka rin. At higit sa lahat, nagpapasalamat ako dahil pinakilala mo ako sa Kanya *sabay tingin sa altar. Siguro kung hindi ka nya naging instrumento, baka hanggang ngayon lugmok parin ako kaya sobrang pasasalamat ko sayo. Sa halos apat na taon na pagsasama natin napagtanto kong mahal na nga talaga kita, pero Trish, hindi yun sapat para pakasalan kita. " Unti-unti ng pumatak yung luha nya at luha ko, habang ako naman ay nakikinig lang habang nakatitig parin sa kanya. Maya-maya'y pinagpatuloy nya yung sinasabi nya..
"Trish, Mahal kita p..pero mas may mahal ako na mas higit sayo." Unti unting nagkaroon ng katanungan yung isip ko ng binitawan nya yung mga salitang yun sa akin, di ko sya maintindihan kaya naman hinayaan ko nalang syang magpatuloy sa pagsasalita kahit nangingilid narin yung luha ko.
"Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo to. Trish, Mahal ko si Lord at gusto ko syang makasama habang buhay, Trish, g..gusto kong magpari. p..papayagan mo ba ako?" Mangiyak ngiyak nyang sabi. Halos manghina ako ng marinig ko yung katanungan nyang iyan, hindi ako makasagot. Tama ba yung narinig ko? Totoo ba yung narinig ko? Gising ba ako? Hindi ko nalang namalayan na nakayakap na pala ako sa kanya habang pumapatak yung luha ko.
"I Do. O..Oo naman, p..papayagan kita, m..masaya ako sa desisyon mo." Iyan yung tanging naging sagot ko, hindi ko alam pero yan na yata yung pinakamasakit na "I Do" na narinig ko.
"Uy Trish! Umayos ka nga! Natutulala ka na naman!" Sambit ni ate Roa sa akin, agad naman akong natauhan. Oo nga pala, nasa simbahan na kami ngayon.
Inikot ko pa yung mata ko sa loob ng simbahan, at dun nakita ko yung dami ng tao, siguro pamilya yun ng mga kasabay nyang oordinahan din. Hinanap ko pa sya pero hindi sya makita ng malabong mata ko. Kaya naman hinayaan ko nang magsimula ang seremonya na hindi man lang sya nakikita.
Kasabay ng awit ng mga choir ay umaawit din ang puso ko sa kaba. Naluluha na ako, lalo nung nakita kong tinatanggap na nila ang litany of supplication kung saan nakadapa na silang lahat.
"Nakita mo na ba sya?" Tanong ni ate Roa sa akin.
"Hindi pa." Sagot ko.
"Ako nga rin, eh, anlayo kasi natin, sabi ko naman kasi sayo agahan natin ,eh." Sisi pa nya.
"Hayaan mo na ate, ang mahalaga andito tayo. "
"Asus! Kung makapagsalita to, kala mo diko napapansin, humahaba na kaya yung leeg mo sa kakasilip sa kanila ay este sa kanya." Diko nalang pinansin si ate, at sa halip ay nagfocus nalang ako sa panonood kahit na diko masyadong kita yung nangyayari.
Maya-maya pa ay isa-isa ng sinuot ng mga pari yung chasuble at stole sa kanila. Iniimagine ko nga, paano kaya kung ako yung nagsuot nun sa kanya? Siguro iiyak lang ako ng iiyak. Tsk. Tama na Trish! Magiging pari na yung tao!
Ilang minuto pa ay nagpalakpakan na lahat ang mga tao, marahil tapos na nilang tanggapin ang first priestly blessing, kaya naman nakipalakpak narin ako. Unti unti narin silang humarap sa mga tao kaya naman hinanap ko kaagad sya.
lalapit sana ako sa harap para mas makita sya pero nagsimula naring lumapit yung mga tao kaya hindi ko na ipinilit pa, hinintay ko nalang maubos yung tao sa harap na kaliwat kanang kumukuha ng litrato kasama ng mga naordehanan.
"Trish, anong ginagawa mo dyan! Tara na dun papicture tayo kay Paul." Narinig kong sabi ni ate Roa na nasa harap na rin, hindi naman ako nakinig, nanatili ako sa kinalalagyan ko kanina, sa totoo lang gusto ko sanang sumama na din kay ate Roa pero pinangungunahan na ako ng kaba, at siguro takot. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko kay Paul kapag nagkita na kami.
Maya-maya pa ay bigla nalang akong nagulat ng may isang pamilyar na boses yung tumawag sa pangalan ko.
Mas bumilis yung tibok ng puso ko ng marinig ko yun, hindi ako nagkakamali boses ni tita Ruth yun, mama ni Paul ay este ni Fr. Paul.
Lumingon naman agad ako, nakangiti si Tita sa akin. Maya-maya pa ay lumapit sya saka nya ako niyakap, "Kamusta ka na Hija!" Tanong nya,
"O..Okay lang naman po." Sagot ko.
"Teka, nagkita na ba kayo ni Fr. Paul?" Tanong nya muli na mas nagpakaba sa akin.
"H..Hindi p..." Sasagot palang sana ako pero bigla nang nagsalita si Tita, "Ay, ito na pala sya."
Nakatalikod ako ng mga panahong iyon, hindi ko alam pero parang hindi ako makalingon sa kanya.
"Trissh.."
Mas lalo pang kumawala yung kaba ng dibdib ko ng marinig ko na yung boses nya. Para yung sirang plaka na paulit ulit na umiikot sa utak ko, 13 yrs ago nung huli kong narinig yung boses nya pero hanggang ngayon memoryadong memoryado ko parin, mababa yun at makapal na animoy boses ng isang wedding singer.
"Trish daw." Boses yun ni ate Roa.
"A..Ah?" Tanong ko na parang walang narinig.
"Si Fr. Paul nasa likod mo." Sagot nya.
No choice. Unti unti akong humarap sa kanila. At oo sa kanya.
Pagkaharap koy tumambad sa akin ang isang matipunong lalaki suot ang Chasuble at stole. Ang gwapo parin talaga nya, at mas gumwapo pa sya sa suot nya. Bagay na bagay nga talaga nyang maging pari. Oo sya nga. Si Paul. Si Fr. Paul Adriano. Yung ex ko.
Out of consciousness bigla akong lumapit sa kanya atsaka nagmano, nagtawanan tuloy sila tita at ate Roa. Pati sya.
"Grabe naman, napaka formal mo naman." Sabi nya.
"Ah..eh.. a..ano" Sasagot palang sana ako gusto pero bigla na syang nagsalita
"Trish, pwede ba kitang makausap?"
"Trish daw." Sabat na naman ni ate Roa.
Ngumiti ako, saka sumagot ng, "Sige, a..ano yun?" Pigil-utal kong sagot.
"Tayong dalawa lang sana kung pwede." Sambit nya, kaya naman um-oo na lang din ako. Pumunta kami sa di kalayuan.
Habang palayo kami ng palayo sa mga tao ay mukhang lumalayo na din sa akin yung katawang tao ko. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
Kung kanina feeling ko kabadong kabado na ako, ngayon parang di na ako humihinga lalo na nung tinitigan nya ako sabay sabihin ng, "Trish, kamusta ka na? Tagal din nating di nagkita" Parang di nag sink in yung mga sinabi nyang yun sa akin, nakafocus lang kasi ako sa mukha n'ya.
Hindi na ako nakapagsalita nakita ko nalang yung sarili ko na bumibigay na pala, tuluyan ko na syang niyakap ng mahigpit na mahigpit.
Ito yung mga yakap na kay tagal kong hinintay..
ito yung yakap na nagsasabi ng "Paul, na miss kita."
Ito yung yakap na nagpaparama ngg pagmamahal ko sa kanya..
Saka lang ako kumalas sa pagkakayap ko sa kanya ng makita kong basang basa na yung suot nya ng di matigil-tigil na luha ko. Kaya para medyo kumalma ako ay nagpakawala ako ng pekeng tawa, sabay sabing..
"Sorry, sobrang emotional ko, pero I want you to know na I..Im very happy for you, Paul.. Fr. Paul" Sambit ko, nagpakawala naman sya ng ngiting namiss ko.
"Salamat, utang ko sa'yo yung kalahati ng bokasyon ko."*tumawa pa sya saka nagsalita ulit.
"Sorry kung yung kalahati lang, alam mo naman siguro kung kanino ko utang yung kalahati pa, diba?" Tumango nalang ako, maya-maya pa ay iniba na nya yung usapan.
Nagtanong sya about sa love life ko, bat daw wala pa akong boyfriend hanggang ngayon? May balak daw ba akong maging single forever? Kung wala daw, tawagan ko lang daw sya anytime para sya na magkasal sa amin. Nagjoke pa ako na, "How I wish ikaw nalang yung lalaking yun pero pari ka na, eh. Wag kang magalala, tanggap ko na."
At dun na kami nagtawanang dalawa. Para tuloy nanumbalik yung dating saya namin nung kami pa.
Ngayon ko lang napagtanto na tama nga talaga na hindi lahat ng nakikilala mo ay itinadhana sa'yo, dahil yung iba ay dumadaan lang sa buhay mo para maging parte ng nakaraan mo.
At oo, isa si Paul sa mga taong yun.
At yung pagkakakilala namin ang isa sa pinakamagandang pangyayari sa nakaraan ko na hinding-hindi ko makakalimutan.
THE END.
#ACallingToLoveYou
Comments
Post a Comment