#KwentongBokasyonMoShareMo: The Benjie Catalan Story
My vocation story started when I was a child. Ang aking ina ang dahilan kung bakit ko nasumpungan ng bokasyon sa pagpapari, sapagkat si mama ay miyembro ng El Shaddai sa aming parokya, at sobrang aktibo niya. Dahil nga sa pagiging active ni mama ay naging close sa amin ang dating kura paroko na si late +Rev Fr. Tadeo "Deo" Angcao.
Sa pagiging malapit nila ay halos sa simbahan na kami mamalagi. Palagi siyang sumasama sa anumang lakad ni Father Tadeo, especially sa pagpunta sa seminaryo, ang nakakatuwa'y kasama din ako.
Dahil nga lagi na rin akong nasa simbahan, naisipan kong pumasok bilang isang sakristan. Very active ako nun, even weekday masses nagseserve ako. Kung may attendance nga siguro ang misa ay perfect attendance ako. From elementary to high school, ganun ang naging buhay ko habang nag-aaral: bahay, eskwela, simbahan.
Habang ako ay lumalaki, lalong tumindi ang kapit ng bokasyon ko. Kahit nga nagkakagirlfriend ako hindi pa rin nawala ang bokasyon ko sa pagpapari. Meron ngang time na nakipagbreak 'yung ex ko sakin dahil pinili ko pa rin ang bokasyon ng pagpapari kaysa sa kanya. Hanggang sa nakagraduate ako ng high school. After graduation, nagkaroon ako ng time na magfocus sa bokasyon ko. Nagsearch- in ako sa iba't-ibang community at congregation, pero hindi ako pinalad that time. Hindi ako tumigil sa pagfullfill ng pangarap ng Diyos para sa akin. Hanggang sa nagtrabaho ako, but still focus pa rin sa vocation ko. At siyempre active pa rin sa Simbahan.
Nung habang ako ay nagpapatuloy sa pagtupad ng bokasyon ko, doon ko nakilala ang isang kaibigan. Actually, matagal ko na siyang kilala, pero that time hindi pa kami close. But now very close na kami; magkapatid na nga ang turingan namin, eh. Si Bok Arjay Alejo, siya ang naging kalakbay-bokasyon ko since nagsearch-in kami sa Discalced Carmelites way back 2015, at pati sa Cebu siya pa rin ang kasama ko.
Sa totoo lang mga kahugot, may mga oras na gusto ko na isuko ang bokasyon ko, pero Siya hindi sumuko sa akin, sa amin. Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos, dahil sabay kami pumasok ng seminary at ngayon magkasama na kami. Tunay ngang napakasarap tumugon kapag may kasama kang umaakay sa iyo pataas. At hindi lamang sa paraan ispiritwal mo siya makakasama kundi kahit saanmang aspeto ng buhay.
Kaya sa mga kagaya ko diyan na nais sumunod sa tawag ng Panginoon sa bokasyon ng pagpapari, 'wag kayo mawalan ng pag-asa because God is always on time. Alam naman nating lahat na si Kristo ang mabuting pastol, pero hindi lamang siya ang pastol bagkus tumawag pa Siya ng ibang pastol upang maging katuwang Niya. Katulad ng ang aking Ina na siyang unang naging pastol sa akin upang makilala ko ang bokasyon ko at si Late +Rev Fr Tadeo "Deo" Angcoa na siya naman naging dahilan upang mas yakapin ko pang mabuti ang aking bokasyon at siyempre ang aking kalakbay bokasyon si Bro Arjay Alejo na siyang nagibg dahilan upang 'wag sumuko sa aking bokasyon.
—Bok Benjie Catalan, 2020
Comments
Post a Comment