A TALK WITH KUYA BOK ABOUT REJECTION

A TALK WITH KUYA BOK ABOUT REJECTION

The time I stopped forcing my self to be with the people who can't accept me was also the time I came to know my worth. 

We all have the tendency to always force ourselves to be with someone who can't accept us wholeheartedly. 'Yung tipong pinagsisiksikan natin 'yung sarili natin sa kanila na para bang sila na lang 'yung taong tatanggap sa atin; na para bang wala nang ibang tao sa mundo kundi sila. 

But wake up. Sa kakahabol mo sa isang tao, nabubulag ka na rin pala na may mga tao ring gustong makalapit sa'yo. Pero wala, eh, sa tanong kasi na "Sinong pipiliin mo, ang taong mahal mo na hindi ka mahal, o ang tanong mahal ka pero hindi mo mahal" ay madalas nating piliin 'yung una. It's not 'pagpapakatanga' because after all we deserve to have someone that will make us happy, pero would we still be happy kung 'yung taong tingin mong magpapasaya sa'yo'y gumagawa ng paraan para lumayo ka sa kanya?

It is painful, and it will always be painful to be rejected by the people that we love.  Esp when we have already poured so much effort just for them to accept us. Pero mahirap talagang pag-aralang mahalin ang isang tao na hindi mo gusto. Pero mas mahihirapan tayo na tanggapin ang lahat pag nagpatuloy pa ito. Kaya ang tanong, hanggang kailan ka handang masaktan? Hanggang kailan mo ipaglalaban na makuha ang isang tao na una pa lang ay ikaw na ang talunan? Accept the fact na hindi lahat ng bagay o taong pinapangarap mong mapasa'yo'y makukuha mo. Forget about your plan, and start cosidering the plans of Jesus for you. Higit na alam ng Panginoon kung sino-sino at ano-ano 'yung mga bagay at tao na para sa'yo. 
 
'Wag mong ipilit ang sarili mo sa isang tao dahil baka AWA ang makuha mo. Kung ako sa'yo, open your eyes so that you'll see how many people are also wanting to have you.  One of them is not Natoy, but Jesus na mahal na mahal ka pero kinalimutan mo nang maghabol ka sa isang taong ang gusto ay iba. :)


Comments