A TALK WITH KUYA BOK ABOUT PRIDE
Pride as they say is just a five-letter word, so don't ever let it ruin your long-spelled relationship. Pride is also a brand of detergent bar, hindi dapat ito inuugali.
Naalala ko tuloy 'yung sinabi ko sa isang kaibigan ko nitong araw lang. Nagkatampuhan kasi kami. And because of that, nagalit ako sa kanya for some unfair reason. Unfair kasi feeling ko, handa na niyang tapusin lahat ng pagiging magkaibigan namin. Aminado naman ako sa mga pagkukulang ko: nawalan ako ng tiwala sa kanya; nasaktan ko siya, hindi lamang isang beses, kundi maraming pagkakataon. Kaya naman I tried to observe social distancing, hindi lang para makaiwas sa maaring dulot ng COVID 19, kundi pati na rin para makaiwas sa sakit ng katotohanan na wala na nga talagang pag-asa ang pagkakaibigan namin. Ganon talaga, may mga pagkakaibigan na nagtatapos, para itong tubig sa batis na hindi na maaring bumalik sa pareho nitong agos.
Pero kanina, I messaged that friend, sabi ko "Mas mahalaga pagkakaibigan natin kesa sa pride ko." I then cried to mama Mary.
Moral lesson. Madalas tayong pangunahan ng pride kaya nakakalimutan nating we are bigger than it, kaya imbes na lunukin natin ito ay tayo mismo 'yung nilalamon nang buhay.
We should always remember that only the humble can say sorry, and only the courageous can accept it. Don't let your pride be bigger than your reason to ask for forgiveness, and don't let your hatred be bigger than your reason for you not to accept it. After all, totoo ang mga kasabihan na "kapag mahal mo, handa kang humingi ng tawad," at kasabihan na "Kapag mahal ka, papatawarin ka."
Comments
Post a Comment