A TALK WITH KUYA BOK ABOUT PAST HATRED
May 13, 2020 marks the 19th anniversary of the most traumatic event that haunted the almost-5-year-old-me and my family—the robbery hold-up that happened in our house, one day before the 2001 Philippine General Election.
Sadly, hindi lamang pera at alahas ang ninakaw nila sa amin. May higit pa roon, alam niyo kung ano? 'Yun 'yung pagtitiwala ko sa mga tao. Noon pa man, mahirap na sa akin magtiwala. Nadala ko a nga ata hanggang pagtanda. Ang hirap kasi tanggapin na 'yung mga suspected criminals ay malapit lamang sa amin. Imagine how painful it must be, na 'yung mga taong magtatanggal ng tiwala mo ay mismong pinagkakatiwalaan mo.
Hindi man sila nabulok sa rehas na bakal, tiyak kong nakulong naman sila sa rehas ng kunsensya. Ipinagdarasal kong nawa'y magbalik-loob na sila kay Kristo, dahil alam kong higit sa perang ninakaw nila, Diyos ang pinaka-kailangan nila. Wala nang iba.
Mahirap magtiwala. Lalo kapag ilang beses nang nasira. Para kang nagsusugal. Ika nga, trust is a dangerous game. Pero you should also be reminded that trust is greater than love.
May this experience be your guide and lesson to not let your past hinder you from trusting other people; from accepting them; from loving them; especially those who inflicted so much pain on you. 'Wag mong gawing dahilan ang mga nanakit sa'yo noon upang 'wag nang magmahal o magtiwala ngayon. Tandaan mo, iba-iba ang tao, hindi por que nasaktan ka noon, masasaktan ka uli ngayon. Duwag na maituturing 'yung taong nagsasarado ng puso para sa mga bago nais pumasok dito dahil sila'y nasaktan; at matapang namang maituturing 'yung patuloy na nagmamahal at nagtitiwala kahit ilang beses nang pinagnakawan ng kasiyahan.
May you be with us praying for them (the culprit) kahit sa dasal man lang na magbago sila ay makuha namin ang hustisya.
Muli, piliin nating magtiwala, hindi lang sa kabutihan ng tao, kundi sa kabutihan ng Diyos na lumalang sa atin.
Comments
Post a Comment